TD Gardo posibleng kumiskis sa Super Typhoon Hinnamnor

By Jan Escosio August 31, 2022 - 09:04 AM

May posibilidad na magka-apektuhan ang Tropical Depression Gardo at Super Typhoon Hinnamnor, ayon sa PAGASA.

Ayon pa sa ahensiya, maaring lumakas sa tropical storm ang bagyong Gardo sa susunod na 12 oras .

Maari din na humina ito ngayon hapon dahil malilimitahan ng Hinnamnor ang sirkulasyon nito.

Inaasahan din na hindi maapektuhan ng bagyong Gardo ang kondisyon sa bansa matapos na rin itong maging tropical depression kahapon ng hapon.

Huli itong namataan sa distansiyang 1,130 kilometro silangan ng extreme northern Luzon taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na aabot naman sa 70 kilometro kada oras.

Tinatahak nito ang direksyon pa-hilaga  o hilaga-kanluran.

TAGS: gardo, Typhoon, gardo, Typhoon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.