Globe Hapag Movement, inilunsad para sa mga nagugutom na Filipino

By Jan Escosio August 31, 2022 - 07:13 AM

PHILIPPINE DAILY INQUIRER PHOTO

May 15.5 milyong Filipino ang nagsabi na sila ay nakakaranas ng gutom.

Base ito sa resulta ng Social Weather Station (SWS) survey na isinagawa noong Enero hanggang Marso ngayon taon.

Kayat inanunsiyo ng Globe Telecom na sa pamamagitan ng Globe Rewards at GCash, maaring mag-donate ang kanilang subscribers sa Hapag Movement.

Ang puntos na nakukuha sa bawat pag-load ay maaring i-donate sa Hapag Movement, kung saan kabilang ang Globe ay may layon na makapagbigay-lunas sa isyu ng kagutuman, bukod sa pagbibigay ng kabuhayan sa mga mahihirap na pamilyang Filipino.

“Hinihikayat namin ang lahat na makibahagi sa programang ito. Kahit maliit na halaga ay malaking bagay na at malayo ang mararating para sa laban natin kontra gutom,” sabi ni Yoly Crisanto, chief sustainability at corporate communications officer ng Globe.

Para sa mga donasyon sa pamamagitan ng reward points, ayon kay Crisanto, i-download ang GlobeOne app ng kanilang subscribers.

TAGS: Globe Rewards Points, hunger, Globe Rewards Points, hunger

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.