COVID-19 average daily attack rate ng NCR, nasa low category na
Nasa low category na ang COVID-19 average daily attack rate (ADAR) sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, nasa 5.98 per 100,000 population na lamang ang ADAR sa NCR.
Ayon kay David, kapag nasa anim pababa ang ADAR, maikukunsidera na itong low base sa kanilang metrics.
Nabatid na noong Agosto 22, nasa 7.32 per 100,000 individuals ang ADAR sa NCR.
Samantala, bumaba rin ang seven-day average ng COVID-19 cases sa NCR.
Mula sa 1,062 na seven-day average na naitala noong Agosto 22, bumaba ito ng 19 percent at naging 862 na lamang noong Agosto 29.
Bumaba rin ang reproduction number sa NCR. Mula sa 0.99 noong Agosto 19, naging 0.95 na lamang ito noong Agosto 26.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.