Palasyo, nagpaliwanag sa hindi pagtanggap ni PBBM sa pagbibitiw ni Usec. Sebastian
Nagpaliwanag ang Palasyo ng Malakanyang sa hindi pa pagtanggap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagbibitiw ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian.
Nagbitiw sa puwesto si Sebastian matapos ang kontrobersiyal na planong pag-aangkat ng 300,000 metrikong toneladang asukal nang walang pahintulot mula kay Pangulong Marcos.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, mayroon pang 90-day preventive suspension si Sebastian.
Hindi pa aniya natatapos ang imbestigasyon kay Sebastian kung kaya hindi pa maaksyunan ng Pangulo ang kanyang status.
Sinabi pa ni Angeles na nagbitiw si Sebastian sa kanyang tungkulin sa ilalim ng DA bilang isang undersecretary. Ibig-sabihin, hindi aniya nagbitiw si Sebastian sa kanyang civil service o bilang kawani ng gobyerno.
Bukod kay Sebastian, nagbitiw na rin sa puwesto si Sugar Regulatory Administration Administrator Hermenegildo Serafica na agad na tinanggap ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.