Trial period sa ‘no contact apprehension’ policy inihirit ni Sen. JV Ejercito

By Jan Escosio August 31, 2022 - 06:49 AM

PDI PHOTO

Naninindigan si Senator JV Ejercito na isalang muna sa trial period ang no contact apprehension policy (NCAP) bago ang ‘full implementation’ nito.

Kasunod na rin ito ng desisyon ng Korte Suprema na suspindihin ang pagpapatupad ng ilang lokal na pamahalaan ng naturang polisiya.

Sinabi ni Ejercito na bilang dating lokal na opisyal naiiintindihan niya ang hangarin ng ilang alkalde ng Metro Manila na modernisasyon ng pagpapatupad ng mga batas-trapiko para maiwasan ang korapsyon.

Ngunit ipinunto niya na bagong konsepto ang NCAP at hindi naging ganap ang pagpapaliwanag sa mekanismo mo nito.

“Since the No Contact Apprehension Program si still a new concept, not everyone is informed about its mechanics, not to mention the glitches that comes with automation,” dagdag ng senador.

Ayon pa kay Ejercito kasabay nang suhestiyon niya na anim na buwan na trial period ay ang pagkasa ng malawakang information drive ukol sa NCAP, gayundin ang pagsasa-ayos ng mga sinasabing ‘butas’ nito.

Samantala, ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay nagsabi na tatalima sila sa utos ng Korte Suprema.

TAGS: Metro Manila, no contact apprehension program, Supreme Court, Metro Manila, no contact apprehension program, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.