Pag-aaralan pa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pahayag ni Chinese minister Liu Jianchao na interesado ang China sa joint oil exploration sa South China Sea.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kailangang busisiin muna ang naturang usapin dahil sensitibo ang naturang usapin.
“Pag-aaralan po natin sa ngayon,” pahayag ni Angeles.
Sinabi pa ni Angeles na kailangan din muna ang abiso mula sa Department of Foreign Affairs (DFA).
“Ukol sa mga foreign relations natin, lalung-lalo na those involving contracts, kailangan pa po ng abiso ng ating Department of Foreign Affairs,” pahayag ni Angeles.
MOST READ
LATEST STORIES