1st Friends of Marines Friendship Shoot idinaos sa Taguig City
Kasabay nang pagselebra sa nakalipas na Araw ng mga Bayani, ikinasa naman ng Philippine Marine Corps Foundation Inc,. at Stone of Hope Defense ang 1st Friends of Marines Friendship Shoot sa Philippine Marines Corps Headquarters sa Taguig City.
Dumalo sa natatanging okasyon sina Stone of Hope Defense Foundation Inc., Chairman Phebie Jame Dy, Stone of Hope Defense Foundation, President Artemio Dy, Office of the President Usec. Wendell Cabrera, Philippine Marine Corps Foundation Inc President Col. Romulo Quemado, II, Lt. Gen. Juancho M. Sabban, Maj. Gen. Charlton Sean Gaerlan, Marine Capt. Joseph Andrew Asuncion, Marine Corps Public Affairs Office Assistant Director Capt. Orchie Bobis, at Marine Maj. Percival Aguirre.
Nagsilbing natatanging panauhin si Justice Sec. Jesus Crispin Remulla.
Sinabi ni Phebie Jame Dy, ginawa niyang personal na adbokasiya ang pagtulong sa mga nasusugatan na sundalo, gayundin ang mga naulila ng mga sundalo sa katuwiran na ang mga ito ang nagsasakripisyo para sa kapayapan sa bansa.
Sabi pa niya kailangan ang tulong ng pribadong sektor sa pagpapadala ng gobyerno ng mga tulong sa kasuluksulukan ng bansa upang hindi maimpluwensiyahan ang mamamayan ng mga teroristang grupo.
Ito din ang adbokasiya ng Philippine Marine Corps Foundation Inc., ayon kay Quemado sa pagsasabing; “ang tunay na bayani hindi lamang ang mga marines o sundalo kundi lahat ng mga Pilipino na nagmamahal sa kapayapaan at nagsusulong ng katahimikan at maunlad na bansa.”
Naging tampok din sa pagdiriwang ang mga makabagong armas ng Philippine Marines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.