Appointment ni Attorney Abraham Espejo bilang BI commissioner, iniimbestigahan na
Inatasan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Justice at ang Department of the Interior and Local Government na imebstigahan ang lumabas na dokumento na nagtatalaga kay dating New Era University College of Law Dean Attorney Abraham Espejo bilang bagong commissioner ng Bureau of Immigration.
Ayon kay Press Secretary Trixie Angeles, base kasi sa pagsisiyasat sa tanggapan ng Presidential Management Staff, office of the Executive Secretaary at maging sa Office of the President, walang appointment paper na nilalagdaan si Pangulong Marcos para kay Espejo.
Ayon kay Angeles, partikular na pinaiimbestigahan ng Pangulo sa National Bureau of Investigation at sa Criminal Investigation and Detection Group ang naturang appointment paper.
Ayon kay Angeles, nababahala ang Pangulo na mayroong nameke sa kanyang pirma at may gumamit ng presidential seal nang hindi awtorisado.
Nangangamba aniya ang Pangulo na magamit sa illegal na gawain ang pamemeke ng dokumento.
Base aniya sa Revised Penal Code, ang sino mang mahuhuli na namemeke ng selyo ng malakanyang at pirma ng pangulo ay mahaharap sa parusang reclusion temporal o pagkakulong 12 hanggang 20 taon.
Ayon kay Angeles, maaaring maisama sa imbestigasyon ang ilang media na nagpalabas ng maling balita.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.