Filing ng CoC sa Barangay at SK elections, gagawin sa Oktubre 6-13

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line
Nagtakda na ng iskedyul ang Commission on Elections para sa paghahain ng kandidatura sa mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Disyembre 5, 2022. Ayon kay Comelec spokesman Attorney John Rex Laudiangco, magsisimula ang filing ng certificate of candidacy sa Oktubre 6 at tatagal ng hanggang Oktubre 13. Tuloy pa rin ang paghahanda ng Comelec kahit may panukala sa  Kongreso na ipagpaliban muna ang eleksyon. Nasa P8. 4 bilyon ang inilaang pondo ng Comelec para sa Barangay at SK election.

Read more...