Pangulong Marcos, binati ang Gilas Pilipinas matapos manalo vs. Saudi Arabia sa FIBA World Cup Asian Qualifiers

By Chona Yu August 30, 2022 - 11:01 AM

Photo credit: Pres. Bongbong Marcos/Facebook

Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagkakapanalo ng Gilas Pilipinas kontra sa Saudi Arabia sa FIBA World Cup Asian Qualifiers na ginanap sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, Lunes ng gabi (Agosto 29).

Personal na nanood ng laban ang Pangulo at nag-cheer sa Gilas Pilipinas.

Inilampaso ng Gilas Pilipinas ang Saudi Arabia sa iskor na 84-46.

“Binabati natin ang Gilas Pilipinas sa kanilang panalo laban sa koponan ng Saudi Arabia sa naganap na FIBA World Cup Asian Qualifiers Game kagabi,” pahayag ng Pangulo sa kanyang official Twitter account.

“Kumpiyansa tayo na gagawin nila ang lahat ng kanilang makakaya para makapagdala ng karangalan sa bansa,” pahayag ng Pangulo.

TAGS: BBM, BBM admin, bongbong marcos, Gilas Pilipinas, InquirerNews, PBBM, RadyoInquirerNews, BBM, BBM admin, bongbong marcos, Gilas Pilipinas, InquirerNews, PBBM, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.