Brunie pinasalamatan ni Pangulong Marcos

By Chona Yu August 27, 2022 - 10:08 AM

(Photo courtesy: Office of the President)

Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong”Marcos Jr. si His Excellency Hajah Johariah binti Haji Abdul Wahab, ang outgoing Ambassador ng Brunie Darussalam to the Philippines.

Sa courtesy call ng Ambassador sa Pangulo sa Malakanyang, sinabi ng punong ehekutibo na nagkaroon ng malakas na ugnayan ang Pilipinas at Brunie dahil sa mga programang nailatag ni Wahab.

“We are grateful for her contribution to strengthening Brunei Darussalam’s excellent relationship with the Philippines.  We bid her farewell and wish her safe travels,” pahayag ng Pangulo.

Isa ang Brunie sa nakatuwang ng Pilipinas sa Independent Decommissioning Body para sa pag-monitor sa implementasyon ng usaping pangkapayapaan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front.

 

TAGS: bongbong marcos, Brunie, news, Radyo Inquirer, bongbong marcos, Brunie, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]