Presyo ng mga produktong petrolyo, tataas sa susunod na linggo

By Chona Yu August 26, 2022 - 06:48 PM

Radyo Inquirer On-Line photo

Busina sa mga motorista.

Ito ay dahil sa muli na namang tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Assistant Director Rodela Romero ng Department of Energy (DOE) – Oil Industry Management Bureau na ito ay dahil sa mataas na demand sa merkado.

“Para sa next week, ngayon pa lang ay may P5.00 na po for diesel and kerosene and then sa gasoline mga more than P1.00,” pahayag ni Romero.

Bukod sa mataas na demand, sinabi ni Romero na nagpapatuloy pa rin ang gulo sa pagitan ng Ukraine at Russia.

“So, nandoon pa rin iyong threat na may tightness ng supply. Ibig sabihin, may kakulangan ng supply sa buong mundo tapos mayroon pang kaguluhan doon sa mga bansang malalaki kagaya ng Russia at saka Ukraine. Isang threat din po iyon o banta na kapag infinite iyong oil embargo ng Russia, ibig-sabihin ay walang langis o krudo na lalabas at papasok sa bansang Russia. So, malaking epekto po iyon sa bansang Europe, sa part ng European countries kasi karamihan po ng supply nila ay nanggagaling po sa bansang Russia. So, mga factors po iyon na naging kadahilanan upang tumaas o bumaba ang presyo ng langis,” pahayag ni Romero.

Maari rin aniyang tumaas ang presyo ng liquified petroleum gas na pangunahing ginagamit naman na heating fuel.

“So, doon sa mga bansang malalamig, ginagamit siya para pang-init po. Tapos may mga bansa din po na harvest season po sila. So, ganoon din po, ginagamit ang petroleum products. So, dahilan po ito para tumaas ang demand o pangangailangan sa petroleum products kaya nagkaroon ng mahalan na po ng pagbili. At saka nandoon pa rin po iyong sitwasyon na may tightness ng supply. Ibig sabihin, kapag bumili ka ng petroleum products sa merkado, may tinatawag silang premium, kasi may kagipitan sa paghanap ng supply,” pahayag ni Romero.

Tiniyak naman ni Romero na patuloy na magbabantay ang DOE.

Hindi aniya hahayaan ng DOE na samantalahin ng mga negosyante ang kakulangan ng suplay ng produktong petrrolyo para itaas ang presyo sa merkado.

“Gusto lang po naming i-assure ang ating mga mamamayan na ang Department of Energy, patuloy po naming minonitor [monitor] ang presyo ng petroleum products sa international market. At kung anuman po ang adjustment na nangyayari doon po sa international, iyon lang din po sana ang magri-reflect sa ating domestic pump price,” pahayag ni Romero.

Magpapatuloy din aniya ang DOE sa pag-iinspeksyon sa mga gasolinahan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

“At the same time, patuloy din po kami na nag-i-inspect sa mga gasolinahan para masigurado po natin na ang binibili nating petroleum products ay compliant po o sumusunod sa standards on quantity, ibig sabihin, tama po ang sukat; at standards on quality, tama po ang kalidad at hindi kakatok ang ating mga makina. At habang may problema po tayo sa presyuhan or even sa supply na nangyayari because of the factors affecting supply sa international market ay patuloy po tayong mag-implement ng ating energy conservation and efficiency program,” pahayag ni Romero.

TAGS: Bigtime oil price hike, DOE, InquirerNews, oil price hike, oil price increase, RadyoInquirerNews, Bigtime oil price hike, DOE, InquirerNews, oil price hike, oil price increase, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.