Maliliit na pagnenegosyo sa bansa, bibigyang prayoridad ni Pangulong Marcos

By Chona Yu August 26, 2022 - 06:41 PM

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Bibigyang prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang maliliit na negosyante sa bansa.

Sa launching ng Micro, Small, Medium Enterprises o MSME Summit 2022 sa Manila Hotel na inorganisa ng Go Negosyo, binigyang halaga ng Pangulo ang papel ng mga maliit na negosyante sa bansa.

“As your President, i assure you that the revitalization of our MSMEs is among the administration’s top priorities. I reiterate the government’s full commitment to work hand in hand with all stakeholders to make certain that MSMEs are protected and provided with ample opportunities not only to recovery form these extraordinary times but to grow and thrive in this modern age,” pahayag ng Pangulo.

Hindi maikakaila, ayon sa Pangulo, na sa nakalipas na dalawang taon, pinadapa ang ekonomiya ng bansa dahil sa pandemya sa COVID-19.

Pero sa ngayon aniya, unti-unti nang nagkakaroon ng pag-asa at lumalakas nang muli ang ekonomiya ng bansa.

“Now as we navigate these unchartered waters of a post pandemic world we take small but firm steps towards recovery and progress. Today is a day opportunity not only to see the light at the end of the tunnel but also to finally break through into the sunlight. I am thus delighted to be part of the launching of this year’s Micro, Small, Medium Enterprises or MSME Summit, which is an apt platform where we can tackle the strategies on how to revitalize our MSMEs under the new normal,” pahayag ng Pangulo.

‘Backbone’ aniya ng ekonomiya ng bansa ang mga maliliiit na negosyante lalo’t kalahati ng bilang ng mga manggagawa sa bansa ay galing sa kanilang hanay.

“Our MSMEs form part of the backbone of our economy, generating more than half of our employment and this is why it is fully recognized that this sector’s critical role in our country’s economic regeneration, job creation and poverty reduction is critical,” pahayag ng Pangulo.

Dapat aniyang bigyang proteksyon ang mga negosyante para mapalago at mapagyabong ang kanilang negosyo sa gitna ng mga hamon sa mundo.

“Ladies and gentlemen and all our beloved MSMEs, I once again give my utmost assurance and commitment that your government is here to help you level up and succeed, especially during these difficult times,” dagdag ng Pangulo.

Panahon na aniya na maglatag ng mga pandemic proof na istratihiya para makaagapay ang mga negosyante.

Napaka-crucial kasi aniya ang papel ng msme dahil ito ang pondasyon ng ekonomiya ng bansa.

Sinabi naman ni Joey Concepcion, ang nag-organisa ng Go Negosyo, na ito ang unang private sector event simula nang maupo sa puwesto si Pangulong Marcos.

Nasa 37 business organizations ang dumalo sa launching.

Dumalo rin sa okasyon si U.S. Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson na nakabilib ang tibay ng loob ng mga Filipinong negosyante.

“What is so impressive to me is that, despite these challenges, we have seen Filipino entrepreneurs and business owners persevere and prosper through ingenuity, drive, and sheer grit. We know that targeted support for small businesses is a critical part of the pandemic response because it bolsters the hard work you are already putting into your enterprises. The U.S. government is pleased to work together with you to support MSMEs and help local and global economies recover from the pandemic-induced slowdown,” pahayag ni Carlson.

Ayon kay Carlson, aabot sa 10,000 na MSMEs sa Pilipinas ang natulungan ng United States Agency for International Development, American companies at non-profit organization.

Nakipag-partner na rin ang USAID sa Philippine microfinance institutions para makapag disburse ng P40 milyong micro grants sa 3,500 na deserving na MSMEs.

TAGS: BBM admin, Ferdinand Marcos Jr., InquirerNews, MSME, RadyoInquirerNews, BBM admin, Ferdinand Marcos Jr., InquirerNews, MSME, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.