Pagtatayo ng 99 school infra projects sa QC, tapos na

By Chona Yu August 26, 2022 - 02:12 PM

Quezon City government photo

Natapos na ng Quezon City government ang konstruksyon ng 99 na school infrastructure projects mula taong 2019 hanggang 2022.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, base sa talaan ng City Engineering Department, aabot sa 33 school buildings ang na-rehabilitate, habang na-upgrade naman ang electrical systems ng 35 schools, 15 water at sanitation posts, at napaganda ang 12 school sites, habang apat na school facilities ang naipatayo sa loob lamang ng tatlong taon.

“Although we have a strict and rigorous bidding and procurement process, the city was able to accomplish various projects for our schools. Ilan pa lang ito sa ating mga plano at patuloy tayong nakikipag-ugnayan sa Schools Division Office (SDO) para alamin kung anu-ano pa ang pwedeng maitulong ng lokal na pamahalaan para sa mga paaralan,” pahayag ni Belmonte.

Sa ngayon, mayroong 26 on-going projects sa iba’t ibang eskwelahan.

Sa kabuuan, nasa 30 projects ang sumasailalim sa evaluation para sa engineering intervention.

Bukod sa pagpapatayo ng mga eskwelahan, namahagi rin si Belmonte ng 250,054 tablets na may internet connectivity sa mga Grade 4 hanggang Grade 12 students sa mga public schools, 710,371 learning kits, 6,875,846 modules, at 430,438 hygiene kits sa nakalipas na tatlong taon.

Nasa 4,784 beneficiaries ang nakatanggap ng education assistance.

Sa ngayon, sinimulan na rin ng QC Government ang pagde-deliver ng 17,000 tablet armchairs para sa 21 public high schools.

Bumibili na rin ang lokal na pamahalaan ng dagdag na school supplies at at tablets na ipamimigay sa mga estudyante na nasa Grade 1 hanggang Grade 3.

Kukuha rin ang lokal na pamahalaan ng office aides, security enforcers, utility at iba pang personnel para ma suportahan ang manpower sa mga pampublikong paaralan.

May nakalaan din ang QC Government ng internet subscription, duplicator machines, photocopier machines at printers.

Kamakailan lamang, nagbigay ang QC Government ng 20 motor vehicles at isang delivery van sa Schools Division Office.

Nabigyan na rin ang mga guro ng monthly at quarterly allowances pati na ang internet at laptops.

May dagdag allowance na rin para sa Alternative Learning System (ALS) teachers at Madrasah teachers.

TAGS: InquirerNews, joy belmonte, QC LGU, RadyoInquirerNews, InquirerNews, joy belmonte, QC LGU, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.