DPWH magsasagawa ng road repair sa long weekend

Sasamantalahin na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang long weekend para ayusin ang ilang kalsada sa Makati, Pasig, at Quezon City.

Ayon sa DPWH National Capital Region Office, 14 road sections ang aayusin simula 11:00, Biyernes ng gabi (Agosto 26).

Ipagpapatuloy ang lane reductions para sa road rehabilitation activities sa apat na segments sa EDSA Northbound: Santolan MRT Station, bus lane; pagkatapos ng P. Tuazon flyover hanggang Aurora Tunnel, 3rd lane mula sa center island (fast lane); pagkatapos ng Aurora Boulevard hanggang New York Street, 3rd lane mula sa center island (intermittent section); at pagkatapos ng Kamuning Road and Kamias Road hanggang JAC Liner Bus Station, sa tabi ng center island sa Quezon City.

Maaapektuhan din ang mga lane EDSA Southbound sa harap ng GMA Network Building, U-turn slot service road; Kamuning Road intersection, 3rd block service road; sa harap ng Kamuning Police Station 10, 2nd block service road; at mula sa Balingasa Creek hanggang Oliveros Footbridge, sa Quezon City.

Apektado rin ang iba pang kalsada sa QC kabilang ang Fairview Avenue Southbound, mula sa Fleur de Lis Street hanggang Labayane Street, 1st lane mula sa center island; Cloverleaf Northbound, mula EDSA hanggang NLEX segment, outer lane at Roosevelt Avenue malapit sa corner EDSA, outer lane.

In C-5, service road sa harap ng Global Oil Gas Station sa Pasig City, road portion corner C.P. Garcia Avenue pagkatapos ng intersection, 2nd block mula sa center island sa Quezon City at southbound second lane sa Makati City ay isasara rin dahil sa reblocking.

Pinayuhan ang mga motorista na dumaan muna sa mga alternatibong ruta sa gitna ng pagsasaayos.

Muli namang bubuksan ang mga nabanggit na kalsada sa 5:00, Martes ng madaling-araw (Agosto 30).

Read more...