‘Hindi pambabastos ang pag-pito sa babae’- Duterte

By Kathleen Betina Aenlle June 03, 2016 - 04:42 AM

 

Inquirer file photo

Sa kaniyang pagharap sa media Huwebes ng gabi, iginiit ni President-elect Rodrigo Duterte na hindi isang uri ng pambabastos ang pag-pito sa babae.

Ayon kay Duterte, ang kaniyang pagpito ay nangangahulugan lang na nais niyang tawagin ang atensyon ng isang tao o kaya ay nakikipagbiruan lamang siya.

Umusbong ang isyung ito dahil sa pag-pito niya sa reporter ng GMA-7 na si Mariz Umali habang nagtatanong siya kay Duterte sa isang press conference noong Martes ng gabi.

Giit ni Duterte kaugnay nito, walang anumang halong pambabastos ang pagpito niya noon kay Umali.

“I was exasperated by the question. Whistling is not a sexual thing,” ani Duterte.

Paliwanag pa ng susunod na pangulo, hindi dapat agad i-assume ng tao na siya ang pinupunterya ng catcalling kung hindi lang naman siya ang nag-iisang taong naroon sa lugar.

Katwiran ni Duterte, hindi mapipigilan ninuman ang isang tao na pumito kung gusto niya, at ang ginawa rin niyang pagpito ay “freedom of expression” lamang.

“That is a freedom of expression. You cannot stop somebody from whistling,” paliwanag niya.

Ito’y maliban na lang aniya kung sosobra na ang taong gumagawa nito at tuluyan nang mang-harass ng babae.

Nang tanungin naman sa posible niyang paglabag sa sarili niyang ipinatupad na ordinansa sa kaniyang lungsod kaugnay sa pambabastos o catcalling sa mga babae, hindi na ito sinagot ni Duterte.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.