Sen. Grace Poe, tiwalang mas tipid sa ‘modern working world’

By Jan Escosio August 26, 2022 - 11:57 AM

Ikinatuwa ni Senator Grace Poe ang pagpayag ng gobyerno na mapalawig ang work-from-home arrangement ng information technology (IT) at business process outsourcing (BPO) sectors hanggang Marso sa susunod na taon.

Umaasa si Poe na ang hybrid work arrangement ay magiging daan upang mas maging ‘flexible’ ang mga empleyado sa kanilang pagtatrabaho para sila ay mas maging produktibo at mapasigla pa nang husto ang ekonomiya ng bansa.

Naniniwala ang senadora na patungo na ang Pilipinas sa ‘modern working world’ na sa kanyang palagay ay magreresulta sa mga benepisyo higit pa sa gastos.

Paliwanag nito, sa kabawasan sa pagbiyahe ay nakakatipid sa pera, oras at enerhiya.

At para suportahan ang kanyang posisyon, binanggit ni Poe ang kautusan ng Civil Service Commission na tangkilikin kung maari ng mga ahensiya ng gobyerno ang ‘flexible work arrangements.’

TAGS: grace poe, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Senate, work from home, grace poe, InquirerNews, RadyoInquirerNews, Senate, work from home

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.