DPWH: Tatlo pang kalsada sa CAR, Region 2 sarado pa rin dahil sa #FloritaPH

May ilang kalsada na hindi pa rin maaring daanan ng mga motorista sa Cordillera Administrative Region at Region 2 dahil sa Bagyong Florita.

Sa datos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) hanggang 6:00, Biyernes ng umaga (Agosto 26), bunsod ito ng road cut, soil collapse, flooding, at para sa safety reasons matapos manalasa ang bagyo.

Sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan, na sarado pa rin ang Kennon Road para sa safety reasons.

Pinayuhan ang mga motorista na dumaan muna sa Marcos Highway, Baguio – Bauang Road, o sa Asin – Nangalisan – San Pascual Road bilang alternatibong ruta.

Patuloy naman ang road clearing operation sa Claveria-Calanasan-Kabugao Road sa Namaltugan, Calanasan, Apayao.

Bunsod naman ng high water elevation, sarado pa rin ang Cabagan-Sta. Maria Road, Cabagan Overflow Bridge sa Isabela. Pansamatalang pinayuhan ang mga motorista na dumaan muna sa Daang Maharlika-Cagayan Valley Road.

Read more...