Ayon sa Phivolcs, kasama rito ang limang volcanic tremors na tumagal ng isa hanggang dalawang minuto at low level background tremor.
Naitala rin ng ahensya ang 595 na tonelada ng sulfur dioxide flux.
Lumikha naman ng plume na may taas na 1,500 metro.
Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.
Patuloy naman ang rekomendasyon ng Phivolcs na bawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island o TVI, lalo na sa Main Crater at Daang Kastilla fissures, at maging ang pamamalagi at paglalayag sa lawa ng Taal.
Paalala pa ng Phivolcs, maaring makaranas ng biglaang steam o phreatic explosions, volcanic earthquakes, manipis na ashfall, o pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas.