48 volcanic earthquakes, naitala sa Bulkang Taal

By Angellic Jordan August 26, 2022 - 09:25 AM

Nakapagtala ang Phivolcs ng 48 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Phivolcs, kasama rito ang limang volcanic tremors na tumagal ng isa hanggang dalawang minuto at low level background tremor.

Naitala rin ng ahensya ang 595 na tonelada ng sulfur dioxide flux.

Lumikha naman ng plume na may taas na 1,500 metro.

Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.

Patuloy naman ang rekomendasyon ng Phivolcs na bawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island o TVI, lalo na sa Main Crater at Daang Kastilla fissures, at maging ang pamamalagi at paglalayag sa lawa ng Taal.

Paalala pa ng Phivolcs, maaring makaranas ng biglaang steam o phreatic explosions, volcanic earthquakes, manipis na ashfall, o pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas.

TAGS: Bulkang Taal, InquirerNews, phivolcs, RadyoInquirerNews, taal, Taal volcano, Bulkang Taal, InquirerNews, phivolcs, RadyoInquirerNews, taal, Taal volcano

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.