Limang kalsada sa Luzon, sarado pa rin dahil sa #FloritaPH

By Angellic Jordan August 25, 2022 - 07:57 PM

Nananatiling sarado ang limang kalsada sa Cordillera Administrative Region, Regions 1 at 4-A dahil sa epekto ng nagdaang Severe Tropical Storm Florita.

Nagkaroon kasi ng landslide, road cut, at soil collapse sa mga apektadong kalsada.

Sa ulat ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bureau of Maintenance hanggang 6:00, Huwebes ng umaga (Agosto 25), tatlong kalsada sa CAR, habang tig-isa sa Region 2 at Region 4-A ang hindi pa maaring daanan ng mga motorista.

Kabilang sa mga apektadong kalsada sa CAR ang Kennon Road dahil sa safety reasons; Claveria-Calanasan-Kabugao Road sa Namaltugan, Calanasan, Apayao dahil sa road cut at soil collapse; at Mt. Province – Ilocos Sur via Tue sa Tadian, Mt. Province bunsod naman ng rock collapse.

Sarado pa rin ang Cabagan-Sta. Maria Road, Cabagan Overflow Bridge sa Isabela dahil sa high water elevation; at ang Sagbat Pililla Diversion Road in Baras, Rizal bunsod ng landslide.

Sa ngayon, naayos na ng DPWH Quick Response Teams kung kaya muli nang binuksan ang anim na road sections sa mga nabanggit na rehiyon.

TAGS: DPWH, FloritaPH, InquirerNews, RadyoInquirerNews, TyphoonFlorita, DPWH, FloritaPH, InquirerNews, RadyoInquirerNews, TyphoonFlorita

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.