DPWH-DAR, nag-turnover ng limang bagong tulay sa Palawan

By Angellic Jordan August 25, 2022 - 07:40 PM

DPWH photo

Nai-turnover na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Agrarian Reform (DAR) ang limang bagong tulay sa lalawigan ng Palawan.

Benepisyaryo ng limang tulay ang mga bayan ng Roxas, Aborlan, El Nido, at Safronio Epañola.

Ang mga proyekto ay nasa ilalim ng Tulay ng Pangulo para sa Kaunlarang Pang-Agraryo (TPKP).

Kabilang sa mga bagong tulay ang 17.4-lineal meter Minarra Bridge at 22.8-lineal meter Buayan Bridge sa bayan ng Roxas; 28.8-lineal meter Parasao Bridge sa Aborlan; 28.8-lineal meter Cagbanaba Bridge sa El Nido; ant isa pang 28.8-lineal meter Abucayan Bridge sa Safronio Española.

Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan, makatutulong ang bridge projects para maisulong ang rural development sa agrarian reform communities.

“These bridges will be able to further support the livelihood of our farmers in these identified agrarian reform areas, boosting productivity of our agricultural lands,” saad ng kalihim.

Aabot sa P60 milyon ang halaga ng pondo ng mga tulay.

DPWH photo

TAGS: BuildBetterMore, DAR, DPWH, InquirerNews, RadyoInquirerNews, TPKP, BuildBetterMore, DAR, DPWH, InquirerNews, RadyoInquirerNews, TPKP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.