Tatlong mangingisda, nasagip matapos lumubog ang bangka sa Cavite

By Angellic Jordan August 25, 2022 - 07:25 PM

PCG photo

Nasagip ang tatlong mangingisda makaraang lumubog ang sinasakyang bangka sa karagatang-sakop ng San Nicholas Shoal sa Cavite noong Agosto 23.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), nasagip ng cargo vessel na MV Ever Pride ang mga mangingisda na sina Joel Dela Cruz Dimano, Jr., 45-anyos; Alexander Bababel, 44-anyos; at Joshua Morallos, 22-anyos, mga residente ng Mariveles, Bataan.

Nakatanggap ng ulat ang PCG Station Manila mula sa PCG District NCR-Central Luzon ukol sa naturang insidente.

Agad nagtugno ang BRP Malabrigo (MRRV-4402) sa iniulat na lokasyon at sinuri ng PCG Medical Service ang mga mangingisda.

Nasa maayos namang kondisyon ang mga mangingisda.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng problema sa makina ng bangka kaya ito lumubog.

Lumala pa ang sitwasyon dahil naging maalon at malakas ang hangin nang mangyari ang insidente.

Dinala ang mga nakaligtas na mangingisda sa Cunanan Wharf sa Maynila para sa karagdagang tulong. Nai-turnover na rin ang mga mangingisda kay Percy Frianela, may-ari ng naturang bangka.

TAGS: capsized boat, InquirerNews, PCG, RadyoInquirerNews, capsized boat, InquirerNews, PCG, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.