3,126 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas

May panibagong 3,126 na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Base ito sa datos ng Department of Health (DOH) COVID-19 tracker hanggang sa araw ng Huwebes, Agosto 25.

Sa kabuuan, umabot na sa 3,867,071 ang napaulat na kaso ng nakahahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 31,037 o 0.8 porsyento ang aktibo pa o patuloy pang nagpapagaling.

3,774,515 o 97.6 porsyento naman ang gumaling na sa COVID-19, habang 61,519 o 1.6 porsyento ang COVID-19 related deaths.

Patuloy namang hinihikayat ng gobyerno ang publiko na magpabakuna at tumaggap ng booster shot bilang pangontra sa nakahahawang sakit.

Read more...