NAPC, ibibigay ni Duterte sa isang babae pero hindi kay Robredo

By Kathleen Betina Aenlle June 03, 2016 - 04:34 AM

 

Inquirer file photo

Wala pa ring balak si President-elect Rodrigo Duterte na bigyan ng posisyon sa kaniyang Gabinete si Vice President-elect Leni Robredo. Isinara na rin kasi ni Duterte ang pinto ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) para kay Robredo, at sinabing sa isang babaeng maka-kaliwa niya ito ibibigay.

Dati nang sinabi ni Robredo na sakaling mabigyan ng pagkakataong makapaglingkod sa Gabinete, nais niya sana sa isang ahensyang nakatutok sa pagpapaunlad ng buhay ng mahihirap.

Ayon kay Duterte, may inirekomenda sa kaniya ang maka-kaliwang grupo at nais niyang ipaubaya sa mga ito ang nasabing anti-poverty commission.

Una nang iminungkahi ni incoming National Economic Development Authority chief Ernesto Pernia kay Duterte na makabubuting piliin si Robredo para sa posisyon dahil isang economics graduate ang mambabatas.

Hiniling na rin niya sa papasok na Finance Sec. Sony Dominguez na siya na ang mag-rekomenda nito kay Duterte.

Matatandaang sinabi ni Duterte na non-commital siya sa pagbibigay ng pwesto kay Robredo dahil ayaw niyang sumama ang loob ni Sen. Bongbong Marcos na isa niyang matalik na kaibigan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.