Palasyo, tiwalang maipapamahagi ng PSA ang 30.1-M national I.D. sa 2022
Kumpiyansa ang Palasyo ng Malakanyang na na makakamit ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang target na makapagmahagi ng 30.1 milyong printed na national identification cards sa katapusan ng taon.
Ayon kay Press Secretary Beatrix “Trixie” Cruz-Angeles, makakamit din ng PSA ang 19.9 milyong digital ID cards na printable.
Base aniya sa talaan ng Philippine Postal Corporation noong Agosto 23, nasa 17.6 milyong physical national ID cards na ang nai-deliver.
Ang PSA ay isang attached agency ng National Economic and Development Authority (NEDA), na pinamumunuan ni Economic Planning Secretary Arsenio Balisacan.
“PSA is making considerable progress to hit the end-year target of 30.1 million physical Phil ID cards, which is 58 percent of the over-all target,” pahayag ni Balisacan.
Sa ulat ni Balisacan sa Malakanyang, sa nakalipas na 11 araw, nakakapag-imprinta ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng 103,000 na physical ID kada araw.
“Note that the target number of IDs issued by the end year is 50 million, of which 30.1 million are physical IDs, and the balance of 19.9 million is digital/printable IDs,” pahayag ni Balisacan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.