Halaga ng pinsala sa agrikultura dahil sa #FloritaPH, umabot sa P19 milyon

Pumalo na sa mahigit P19 milyong halaga ng agrikultura ang nasira dahil sa nagdaang Bagyong Florita.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), kabilang sa mga nasirang pananim ang sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, at Central Luzon.

Aabot sa 1,286 magsasaka ang naapektuhan ng bagyo.

Ayon pa sa DA, nasa 1,132 metric tons (MT) ng produktong agricultural at 1,833 ektaryang sakahan ang nasira.

Kabilang sa mga produktong nasira ang mais, palay, at high value crops.

Tiniyak naman ng DA na may nakahandang ayuda ang kanilang hanay para sa mga apektadong magsasaka.

Read more...