Kamara, gumastos na halos P1-B para sa mga consultants

By Isa Avendaño-Umali June 03, 2016 - 04:31 AM

 

Inquirer file photo

Gumastos ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ng P929.4 million para sa consultancy services noong nakaraang taon.

Batay sa data na isinumite ng Kamara sa Commission on Audit, 3,150 consultants ang na-hire ng mga Kongresista noong 2015.

Ayon sa COA, ang gastos na ito ng Kamara sa consultants ay 55% na mas mataas sa ginastos noong 2014 na umabot lamang ng 599.8 million pesos para sa 2,145 consultants.

Mas mataas pa rin ito sa kabuuang gastos sa consultancy ng Kapulungan mula 2011 hanggang 2013 na 890.334 million pesos. Sa kabila nito, nilinaw ng COA na walang negatibong findings dito.

Sinabi ng COA na kumukuha ng consultants ang mga Mambabatas bilang tulong sa pagbuo ng panukalang batas, research at iba pang trabaho sa lehislasyon.

Kabilang din umano sa kinuhang consultants ay para sa oversight committees para gumawa ng iba’t ibang administrative at technical works pati na ang research na kailangan sa pagsasabatas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.