Chief Azurin, ipinag-utos ang mas pinaigting na pagpapatrolya sa mga eskwelahan
Inatasan ni Philippine National Police (PNP) Chief Rodolfo Azurin, Jr. ang mga pulis na paigtingin ang pagpapatrolya sa mga bisinidad ng eskwelahan.
Ito ay kasabay ng pagbubukas ng klase sa buong bansa.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni PNP spokesman Colonel Jean Fajardo na partikular na pinatutukan ni Azurin ang crime-prone areas.
Sa ganitong paraan aniya, masisiguro ang kaligtasan ng mga estudyante, guro at maging ng mga magulang.
Sa ngayon, sinabi ni Fajardo na ‘generally peaceful’ ang pagbubukas ng klase simula noong Lunes, Agosto 22.
Wala naman kasi aniyang untoward incident na naitala sa pagbubukas ng klase.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.