Hirit ni Sen. Jinggoy, Estrada na makiparty sa birthday ng ina, kinontra ng Ombudsman

By Jan Escosio, Jay Dones June 03, 2016 - 04:29 AM

 

Inquirer file photo

Muling kinontra ng mga prosecutor ng Ombudsman’s ang hirit ni detained Sen. Jinggoy Estrada na makadalo sa party ng kanyang ina na si dating Sen. Loi Estrada na magdiriwang ng kanyang ika-86 kaarawan sa darating na Sabado.

Sa apat na pahinang opposition paper, iginiit ng Office of the Special Prosecutor na ang katulad na hiling ni Estrada noong nakaraang taon ay tinanggihan na rin ng Sandiganbayan.

Dagdag pa ng government prosecutors hindi naman maituturing na emergency ang sitwasyon at hindi naman lubos na kailangan ang presensiya ni Estrada sa pagdiriwang, na gaganapin sa isang establismento sa Shaw Boulevard sa lungsod ng Mandaluyong.

Sa hirit ni Estrada, nais nitong makalabas ng PNP Custodial Center mula alas-8:00 ng gabi hanggang alas-12: ng hatinggabi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.