Rep. Nograles, hinikayat ang PNP na bumuo ng plano para maiwasan ang mga krimen

By Angellic Jordan August 25, 2022 - 03:10 PM

PNP photo

Umapela si Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles sa Philippine National Police (PNP) na gumawa ng mga karagdagang hakbang upang maiwasan ang mga krimen sa bansa.

Kasunod ng mga napapaulat na krimen, kabilang ang pagpatay sa apat na indibiduwal sa Montalban.

Natagpuang wala nang buhay ang dalawang lalaki at dalawang babae na nakasakay sa isang sasakyan sa bahagi ng Balagbag, Barangay San Isidro noong Lunes ng umaga.

“Nananawagan tayo sa kapulisan na gawin ang makakaya para maiwasan ang krimen. We are seeing cases of crime being conducted in broad daylight. The police must put a stop to such brazen disregard of the law by criminals,” pahayag ng mambabatas.

Umaasa si Nograles na makarinig ng mga plano ng pambansang pulisya upang maipatupad ang mandatong masiguro ang kaligtasan sa bansa.

Hinimok nito ang mga pulis na mas maging “visible” at ugaliin ang pagpapatrolyo.

Sinabi pa nito na dapat pag-ibayuhin ng PNP ang emergency response time at dapat maging accessible ang kanilang emergency hotlines.

“Our people have to be reassured that the police is on top of things. Alam nating nasa ‘honeymoon stage’ pa ang mga bagong lider, pero hindi naghihintay ang mga kriminal,” giit nito.

Dagdag ng kongresista, “Huwag po nating hayaan na manaig ang takot sa mga kababayan natin na hindi sila ligtas. Ipanatag po natin ang loob nila.”

TAGS: crimes in the Philippines, Fidel Nograles, InquirerNews, krimen, PNP, RadyoInquirerNews, crimes in the Philippines, Fidel Nograles, InquirerNews, krimen, PNP, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.