P3 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo, nasamsam sa Zamboanga Sibugay
Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Port of Zamboanga (BOC-POZ) ang P3 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa isang trak sa Tungawan, Zamboanga Sibugay province noong Agosto 23.
Nakatanggap ang mga awtoridad ng tip na mayroong trak na naglalaman ng mga ilegal na produkto.
Dahil dito, ikinasa ng Port of Zamboanga, Regional Mobile Force Battalion 9 (RMFB9), at Tungawan Municipal Station (MPS) ang anti-smuggling operation sa bahagi ng Barangay Baluran, Tungawan.
Nakuha ng mga awtoridad ang 85 cases ng kontrabando na mayroong iba’t ibang tatak sa isang Isuzu Canter Truck na may sakay na tatlong pasahero.
Dinala ang sasakyan at nilalaman nito sa kustodiya ng BOC kasunod ng paglabag sa Section 1113 (a) ng Republic Act 10863, o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) of 2016, na may kinalaman sa Section 117 at Tobacco Exportation and Importation Rules and Regulations.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.