1 sa mga nasawi sa Pasay concert, nagpositibo sa 2 synthetic drugs

By Kathleen Betina Aenlle June 03, 2016 - 04:27 AM

 

Inquirer file photo

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na isa sa limang nasawi sa concert sa Pasay City noong nakaraang linggo ang nag-positibo sa dalawang uri ng synthetic drugs.

Ayon sa forensic division chief ng NBI na si Dr. Rommel papa, nakakita sila ng mga bakas ng methylenedioxymethamphetamine (MDMA) methylene homolog at methylenedioxy cathinone o mas kilala sa tawag na “bath salt” na pawang mga illicit substances.

Ang mga specimens na ginamit sa tests aniya ay kinuha ng kanilang medico legal doctor, na sinuri pang muli at kinumpirma naman ng kanilang forensic chemistry division.

Tumanggi na si Papa na sabihin kung sino sa mga nasawi ang nag-positibo sa dalawang illicit na substances bilang respeto sa hiling ng pamilya nito.

Ang mga naturang illicit substances ay mga bagong uri ng droga na napaka-delikado ngunit hindi iligal dahil wala pa ito sa listahan ng mga prohibited drugs sa ilalim ng Dangerous Drugs Act of 2002.

Pawang mga psychoactive, mind-altering at hallucinogenic aniya ang mga substances na ito, at ang MDMA methylene homolog naman ay ginagamit sa forensic tests na hindi fit for human consumption.

Panawagan naman ni Papa, huwag husgahan ang biktima dahil posibleng hindi nito alam kung ano ang kanilang ininom, dahil nananatili pa ring misteryo sa kanila kung paano ito napasok sa sistema ng biktima.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.