Nabatid na Hunyo 29 nang ilabas ang resolusyon ng Mandaluyong City Prosecutor’s Office sa kaso ni Jose Antonio Sanvicente ngunit ngayon araw lamang ito naibahagi sa media.
Ipinaliwanag na hindi kuwalipikado sa frustrated murder ang kaso ni Sanvicente sa ilalim ng Article 248 ng Revised Penal Code sa paliwanag na ang guwardiyang si Christian Floralde ang lumapit sa sports utility vehicle (SUV) ng akusado noong Hunyo 5.
Unang frustrated murder ang isinampa ng Mandaluyong City Police laban kay Sanvicente.
Ibinasura din ang isinampang kasong abandonement sa katuwiran na ‘lack of probable cause.’
Iginiit na ng kampo ni Sanvicente na hindi sinadya ang pagsagasa kay Floralde.