Kaso ng sumagasa ng mall security guard ibinaba sa frustrated homicide

By Jan Escosio August 25, 2022 - 12:05 PM

Inabot ng halos dalawang taon bago isinapubliko ang desisyon ng Mandaluyong City Prosecutors Office kaugnay sa kaso ng pagsagasa sa isang mall security guard.

Nabatid na Hunyo 29 nang ilabas ang resolusyon ng Mandaluyong City Prosecutor’s Office sa kaso ni Jose Antonio Sanvicente ngunit ngayon araw lamang ito naibahagi sa media.

Ipinaliwanag na hindi kuwalipikado sa frustrated murder ang kaso ni Sanvicente sa ilalim ng Article 248 ng Revised Penal Code sa paliwanag na ang guwardiyang si Christian Floralde ang lumapit sa sports utility vehicle (SUV) ng akusado noong Hunyo 5.

Unang frustrated murder ang isinampa ng Mandaluyong City Police laban kay Sanvicente.

Ibinasura din ang isinampang kasong abandonement sa katuwiran na ‘lack of probable cause.’

Iginiit na ng kampo ni Sanvicente na hindi sinadya ang pagsagasa kay Floralde.

TAGS: guard, suv, guard, suv

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.