Partylist solon iginiit ang hurisdiksyon ng NTC sa ABS-CBN – TV5 merger

By Chona Yu August 25, 2022 - 11:35 AM

Sinegundahan ni SAGIP Partylist Representative Rodante Marcoleta ang posisyon ng National Telecommunications Commisssion (NTC) sa kanilang hurisdiksyon sa ABS-CBN at TV5 merger.

Sinabi ito ni Marcoleta sa pagdinig ng House Committees on Legislative Franchises, at Trade and Industry, at binanggit nito ang NTC Memorandum Order (MO) No. 003-06-2022 na nagbabawal sa sa mga franchisees na makipagtransaksyon sa “errant” parties.

Ayon kay Commissioner Gamaliel A. Cordoba sa ilalim ng NTC MO No. 003-06-2022, ang commercial transactions gaya ng pinasok ng ABS-CBN at TV5 ay pasok sa mandato at hurisdiksyon ng NTC.

Sinabi ni Marcoleta na para makakuha ng approval mula sa NTC ang ABS-CBN at TV5 ay dapat magsumite ng clearance of “no outstanding obligation” mula sa mga ahensya ng gobyerno kabilang ang LGUs.

Bago ang pagdinig, kapwa nag-isyu ng pahayag ang ABS-CBN at TV5 at sinabing ihihinto muna pansamantala ang kanilang closing preparations para matugunan ang mga isyu at pagtutol ng ilang mambabatas.

“Ang sinasabi natin dito, kinakailangan ba payagan natin sila kaagad na makasakay sa ibang prangkisa ng hindi po nase-settle etong napakaraming mga sagutin na ito at obligation na taong bayan na po ang nakakaalam noong tayo po ay nagkaroon ng malawakang public hearing dito,” diin ni Marcoleta.

Noong 2020, malaki ang ginampanan ni Marcoleta sa hindi pagpapalabas ng prangkisa sa ABS-CBN dahil sa mga naging paglabag ng network.

TAGS: ABS-CBN, NTC, TV5, ABS-CBN, NTC, TV5

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.