NDRRMC: 3 patay, 4 sugatan dahil sa bagyong Florita

By Chona Yu August 25, 2022 - 11:22 AM

NDRRMC PHOTO

Ibinahagi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na may napa-ulat na tatlong nasawi at apat na nasugatan sa pananalasa ng bagyong Florita.

Paglilinaw naman agad ng ahensiya, dalawa pa lamang sa tatlong nasawi ang nakumpirma.

Aniya ang dalawa ay parehong nabagsakan ng puno, sa Cagayan at Kalinga.

Samantala, kinukumpirma pa ang nalunod sa Camarines Sur.

Tatlo naman sa napaulat na nasugatan ay tinaman ng puno at debris, samantalang nangangalap pa ng karagdagang detalye sa pang-apat na nasugatan na taga-Camarines Sur.

May 12,000 pamilya ang naapektuhan ng nagdaang bagyo.

TAGS: Florita, ndrrmc, Florita, ndrrmc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.