Hindi himala ang 1948 Lipa Marian apparition-Vatican

By Jay Dones June 03, 2016 - 04:28 AM

 

Inquirer file photo

Nagpalabas ng ‘decree’ o kautusan ang Vatican City sa Rome, na nagbabaligtad sa naunang deklarasyon ng Simbahan na nagsasabing isang ‘himala’ ang pagpapakita ni Birheng Maria sa isang aparisyon sa Lipa City, Batangas noong 1951.

Ang tinutukoy sa ulat ng Vatican ay ang pagpapakita umano ni Birheng Maria sa isang Carmelite na madre na si Teresita Castillo o Teresing sa monasteryo sa Lipa noong 1948.

Sinundan ito ng pagbuhos ng mga rose petals na may mga imahe ni Maria at ni Jesus.

Gayunman, sa communique ng Congregation for the Doctirne of the Faith of the Roman Curia na ipinadala sa Diocese ng Lipa, isinasaad na dati nang isiniwalat ni Pope Pius the 12th na hindi ‘of supernatural origin’ ang pangyayari.

Ang Marian apparition ay unang idineklara ni Lipa Archbishop Jose Arguelles na nagsasabing ‘worthy of belief’ o dapat paniwalaan na nagpakita si Maria sa naturang pagkakatong naitala sa Lipa City may 60 taon na ang nakalilipas.

Dahil sa kautusan, dapat na rin aniyang ihinto ang lahat ng imbetigasyon at pag-aaral sa naturang phenomenon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.