Hinikayat ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga paaralan, estudyante at magulang na makibahagi sa inaalok na online course para makaiwas sa COVID 19.
Sinabi ni TESDA Dir. Gen. Danilo Cruz ang kurso ay idinisenyo para maiwasan na ang pagkalat pa ng nakakamatay na sakit sa mga paaralan.
“As we set to open our schools for full face-to-face classes, we are inviting everyone to enroll in our free online courses related to COVID-19 management to help prevent the spread of the virus and adapt to the changes brought by it,” sabi ng opisyal.
Paliwanag niya ang kursong “Practicing COVID-19 Preventive Measures in the Workplace” ay nasa kanilang website at ito ay nakapaloob sa TESDA Online Program (TOP).
Ibinahagi ni Cruz na noong 2020, higit 142,000 ang nakatapos sa naturang kurso at karagdagang 383,826 ang kumuha nito noong nakaraang taon.