2-anyos na paslit, nasawi sa pagtaob ng bangka sa Iloilo

By Kathleen Betina Aenlle June 03, 2016 - 04:22 AM

 

Mula sa Google Maps

Naging malungkot ang masaya sanang outing ng isang pamilya nang tumaob ang kanilang sinasakyang bangkang de motor papunta sa daungan as Banate, Iloilo, Huwebes ng hapon.

Nasawi kasi ang kasama nilang magda-dalawang taong gulang pa lamang na si Jerico Palma nang ma-trap ito sa loob ng tumaob na pump boat.

Ayon kay Geline Palma, ina ng batang lalaki, galing sila sa Introbuhan Beach Resort sa may bayan ng Banate.

Nasa 250 metro na lamang aniya ang layo nila sa Banate port nang biglang umigip ang malakas na hangin at naging maalon ang dagat.

Humampas aniya ito sa kanilang sinasakyang bangka, dahilan para tumaob ito.

Halos 30 miyembro ng pamilya Palma mula sa North Dumagas, Iloilo ang magkakasama sa nasabing outing bilang despedida sana ng isa nilang kaanak na pupunta na ng Saudi Arabia.

Iginiit naman ng kapitan ng bangka na si Felimon Cosca na hindi overloaded ang kaniyang bangka na isa sa mga hinihinalang dahilan ng pagtaob nito.

Ngunit paliwanag ng taga Philippine Coast Guard (PCG) sa Iloilo City, hindi sapat ang 16 horsepower para maisakay nang ligtas ng isang pump boat ang nasa 30 indibidwal, kaya iniimbestigahan na nila ang insidente.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.