Doctors, researchers nakonsulta sa pagpasa sa Anti-Smoking Vape Law

Sobra pa sa sapat na konsultasyon ang nagawa sa ‘scientific and medical communities’ bago naipasa ang Vape Law.

Ito ang paniniwala ng Harm Reduction Alliance of the Phils, (HARAP), isang research group na binubuo ng mga medical professionals, experts at researchers, sa katuwiran na naging bahagi sila ng mga pagdinig sa Kongreso nang isinusulong pa lamang ang Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act, na ngayon ay ang RA 11900.

“HARAP has appeared several times before the House of Representatives and the Senate to share its inputs in support of then Senate Bill 2239. The passage of the Vape Law is a vindication for harm reduction advocates in the country. We will continue championing it to ensure that all struggling Filipino adult smokers have access to regulated alternative,” sabi ni Prof. Ron Christian Sison, lead convenor ng HARAP.

Ayon naman kay HARAP co-convenor, Dr. Ronald Cabral, nakasentro sila sa mga ebidensiya, gayundin sa mga kaalaman sa pagsasagawa nila ng mga pag-aaral sa mga benepisyo ng mga alternatibo.

Magugunita na noong Enero ngayon taon, ipinasa sa Kamara ang HB 9007 sa pamamagitan ng 195 affirmative votes, 34 negative at apat na abstentions.

Sa bahagi naman ng Senado, 19 ang bumoto ng pagpabor, dalawa ang negatibo at dalawa ang nag-abstain sa hanay ng mga senador.

Pinuri ng HARAP ang pagpasa sa batas dahil pinatunayan nito ang katotohanan sa tobacco harm reduction (THR) sa pamamagitan ng mga alternatibo tulad ng vapes at heated tobacco products (HTPs).

Kabilang ang HARAP sa mga unang grupo sa bansa na nagsagawa ng pag-aaral sa vaporized nicotine products at napatunayan na magandang alternatibo ito para sa mga hindi lubusang makatalikod sa bisyo ng paninigarilyo.

Napatunayan na rin sa ibat-ibang bansa na ang vapes ay 95 porsiyentong mas mabuti kumpara sa sigarilyo.

Base naman sa survey ng ACORN Marketing and Research Consultants, 94 porsiyento ng mga Filipino ang naniwala na dapat ay magpasa ng mga polisiya ang gobyerno pata mahikayat ang mga naninigarilyo na gumamit ng mga ‘less harmful tobacco alternatives.’

Read more...