Bagyong Florita nasa labas na ng Pilipinas

By Jan Escosio August 24, 2022 - 06:41 AM

PCG PHOTO

Bumilis ang pagkilos ng Severe Tropical Storm ‘Florita’ pa-kanluran at nasa labas na ito ng Philippine area of responsibility (PAR).

Base ito sa 5am update na inilabas ng PAGASA kasabay nang pagbaba ng lahat ng Tropical Cyclone Wind Signals bagamat nanatili ang babala ng hanggang sa malakas na pag-ulan.

Signa No. 1

-Batanes

-Babuyan Islands,

-Cagayan (Claveria, Santa Praxedes, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Allacapan, Aparri, Lasam, Santo Niño, Rizal),

-Apayao,

-Abra,

-Kalinga (Balbalan, Pasil, Tinglayan),

-Mountain Province (Bauko, Tadian, Besao, Sagada, Sabangan, Bontoc, Sadanga),

-Benguet (Mankayan, Bakun, Kibungan, Kapangan, Tublay, La Trinidad, Sablan, Tuba, Baguio City, Atok),

-Ilocos Norte,

-Ilocos Sur, at

-La Union

Humina ang lakas ng hangin ng bagyo sa 95 kilometro kada oras at ang bugso naman ay umaabot sa 115 kilometro kada oras.

Nananatiling suspindido ang mga pasok sa eskuwelahan at trabaho sa ilang lugar.

Samantala, dahil sa ‘habagat’ uulanin din ang ilang bahagi ng Western Visayas at Region IV-B (Mimaropa) sa susunod na 24 oras.

TAGS: Florita, Pagasa, signal no. 1, suspension, Florita, Pagasa, signal no. 1, suspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.