#FloritaPH, bahagyang humina habang binabagtas ang Apayao
Bahagyang humina ang Severe Tropical Storm Florita habang binabagtas ang Hilagang bahagi ng Apayao.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Kabugao, Apayao bandang 4:00, Martes ng hapon (Agosto 23).
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 165 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers per hour sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran.
Bunsod nito, nakataas ang tropical cyclone wind signal sa mga sumusunod na lugar:
Signal no. 3:
– Ilocos Norte
– Apayao
– Southern portion ng Babuyan Islands (Camiguin Is., Fuga Is., Dalupiri Is.)
– Mainland Cagayan
Signal no. 2:
– Ifugao
– Mountain Province
– Kalinga
– Abra
– Ilocos Sur
– Isabela
– Nalalabing parte ng Babuyan Islands
Signal no. 1:
– La Union
– Eastern portion ng Pangasinan (Umingan, San Fabian, Sison, Pozorrubio, San Jacinto, Laoac, Binalonan, San Manuel, Asingan, Tayug, Santa Maria, San Quintin, Natividad, San Nicolas)
– Benguet
– Nueva Vizcaya
– Quirino
– Northern portion ng Nueva Ecija (Carranglan, Lupao, San Jose City, Pantabangan)
– Northern at central portions ng Aurora (Maria Aurora, Dipaculao, Dinalungan, Casiguran, Dilasag)
Babala ng PAGASA, makararanas ng mabigat na buhos ng ulan sa Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Zambales, at Bataan.
Katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan naman ang iiral sa Metro Manila, Isabela, Tarlac, Pampanga, Cavite, at nalalabing parte ng Cagayan Valley.
Makararanas naman ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa nalalabing parte ng Central Luzon at CALABARZON.
Dahil sa naturang bagyo at Southwest Monsoon o Habagat, nananatili ang gale warning sa seaboards ng Northern at Central Luzon, karamihan sa seaboards ng Southern Luzon, at maging sa western seaboard ng Visayas.
Patuloy na kikilos ang bagyo pa-Hilagang Kanluran o Kanluran Hilagang-Kanluran at maaring dumaan sa northern portions ng Apayao at Ilocos Norte.
Base sa forecast track, lalabas ang bagyo ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkules ng umaga, Agosto 24.
Samantala, sinabi rin ng PAGASA na uulanin din ang Western Visayas at MIMAROPA bunsod naman ng Habagat sa susunod na 24 oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.