Klase at trabaho sa NCR at anim pang lugar, sinuspinde ni Pangulong Marcos
Nagsuspinde na ng klase at trabaho si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa mga lugar na apektado ng Bagyong Florita.
Ayon kay Press Secretary Trixie Angeles, simula ngayong araw, Agosto 23, walang pasok sa lahat ng antas sa mga pampublikong eskwelahan sa National Capital Region, Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Zambales at Bataan hanggang bukas, Agosto 24.
Wala ring pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa mga nabanggit na lugar hanggang bukas.
Samantala, sinabi ni Angeles na ipinauubaya na ni Pangulong Marcos ang pagpapasya sa mga pribadong paaralan at tanggapan.
Sinuspendi ng Pangulo ang pasok sa klase at trabaho base na rin sa rekomendasyon ng Office of Civil Defense.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.