Kinalampag ni Senator Grace Poe ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na ayusin na ang lahat ng mga lumutang na aberya sa pagbabalik ng face-to-face classes.
Puna ni Poe sa unang araw kahapon ng pagbabalik eskwela, napuna ang ibat-ibang isyu gaya ng kakulangan ng classrooms at mga kagamitan sa paaralan.
Diin ng senadora dapat ay tiniyak na handa at maayos na ang lahat bago pa pinabalik sa mga paaralan ang mga estudyante.
Sinabi nito nan ang magdesisyon ang mga kinauukulan na ibalik na ang in-person learning dapat ay tiniyak na ‘all systems go’ para sa lahat hindi lamang sa mga paaralan kundi maging sa public transport system, maayos na trapiko at mahigpit na pagsunod sa health protocols.
Dapat aniya nakakatiyak ang lahat na ligtas ng ibalik ang face-to-face classes sa kabila nang nagpapatuloy na pandemya.