Illegal networking companies ipina-aasikaso ni Sen. Raffy Tulfo sa DTI
Kinamusta ni Senator Raffy Tulfo sa Department of Trade and Industry (DTI) ang mga ginagawang hakbang laban sa nagpapatuloy na illegal multi-level marketing companies.
Ayon kay Tulfo nagpapatuloy ang panloloko at recruitment ng ilang kompanya base sa pangako ng mabilis at malakit komisyon.
Sinabi pa nito sa organizational meeting ng Senate Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship na maging sa online ay talamak na rin ang modus ng illegal MLMCs.
Pagtitiyak naman ni Undersecretary Ruth Castelo, ng DTI-Consumer Protection Group hindi nila tinitigilan ang mga illegal networking companies sa tulong ng Securities and Exchange Commission (SEC).
Sinabi na lang din ni Tulfo na dapat ay makipagtulungan at makipag-ugnayan ang DTI sa law enforcement agencies, partikular na sa NBI at PNP.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.