Discount sa ‘job documents’ pinabibigay ni Sen. Jinggoy Estrada sa ‘indigent jobseekers’

By Jan Escosio August 23, 2022 - 12:30 PM

Photo credit: Senate of the Philippines/Facebook

Naghain ng panukalang-batas si Senator Jinggoy Estrada na layong mabigyan ng diskuwento sa mga bayarin sa mga kinakailangang dokumento ang mga mahihirap na nais mag-trabaho.

Sa Senate Bill No. 47 o ang Indigent Job Applicants Discount Act,’ nais ni Estrada na magkaroon ng 20 porsiyentong diskuwento sa lahat ng mga bayarin ang mga kapos na naga-apply ng trabaho.

Katuwiran niya, para sa mga mahihirap mabigat na rin sa bulsa ang anumang gastusin kaakibat ng kanilang aplikasyon sa trabaho, sa loob o labas man ng bansa.

Kabilang sa mga nais ng senador na mabigyan ng diskuwento ay ang bayarin para sa NBI at PNP clearances, marriage at birth certificates, transcript of records at authenticated diploma mula sa state colleges and universities (SUCs), medical certificate, at Civil Service eligibility certificate.

Gayundin sa National Certificate, certificate of competency at iba pang documentary requirements.

TAGS: discount, Jinggoy Estrada, news, Radyo Inquirer, discount, Jinggoy Estrada, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.