Iba pang produkto apektado ng isyu sa asukal – DTI
Aminado ang Department of Trade and Industry (DTI) na apektado na rin ang iba pang mga produkto sa kapos na suplay at mataas na halaga ng asukal.
Ginawa ng DTI ang pag-amin sa organizational meeting ng Committee on Trade, Commerce and Entrepreneurship, na pinamumunuan ni Sen. Mark Villar.
Tinanong ni Sen. Sherwin Gatchalian ang mga taga-DTI ukol sa epekto ng isyu sa asukal sa iba pang produkto na tinatangkilik ng mga konsyumer.
Binanggit pa ng senador ang pagtaas ng halaga ng sago’t gulaman.
Ayon kay Trade Undersecretary Ceferino Rodolfo nararamdaman na ng mga mamimili ang pagtaas ng presyo ng mga produktong gumagamit ng asukal.
Nangako din ang DTI na isusumite sa komite ang listahan ng mga produkto na nagmahal ang halaga dahil sa mataas na presyo ng asukal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.