Binga at Magat Dam nagpapakawala ng tubig

By Chona Yu August 23, 2022 - 09:12 AM

Magat dam in Ramon, Isabela. PDI photo / Richard A. Reyes

Patuloy na nagpapakawala ng tubig ang Binga Dam sa Benguet at Magat Dam sa bahagi ng Isabela at Ifugao.

Ito ay dahil sa patuloy na pananalasa ng Bagyong Florita.

Ayon sa Pagasa, bukas ng 0.30 meter ang isang gate sa Binga Dam.

Sa ngayon, nasa 572.76 meters ang lebel ng tubig sa dam, malapit na sa 575-meter na spilling level.

Samantala, bukas naman ng 0.50 meter ang isnag gate ng Magat Dam.

Nabatid na nasa 186.59 meters ang lebel ng tubig ng dam, malapit na saa 190-meter na spilling level.

Ayon sa Pagasa, patuloy na makararanas ng pag-ulan ang Isabela at Cagayan dahil sa bagyo.

 

TAGS: Binga dam, Magat Dam, news, Pagasa, Radyo Inquirer, Binga dam, Magat Dam, news, Pagasa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.