Signal Number 3 itinaas sa Isabela at Cagayan dahil sa Bagyong Florita
Patuloy na nanalasa ang Bagong Florita sa bansa.
Base sa 5 a.m. advisory ng Pagasa, kumikilos ang bagyo sa north northwestward direction patungo sa Isabela at Cagayan sa bilis na 10 kilometers per hour .
Namataan ang sentro ng bagyo sa 120 km east northeast ng Casiguran, Aurora.
Taglay ng bagyo ang hangin na 95 kilometers per hour at pagbugso na 115 kilometers per hour.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) Number 3 northern at eastern portion ng mainland Cagayan (Santa Praxedes, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Lal-Lo, Baggao, Peñablanca, Gattaran, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Santa Ana, Gonzaga, Santa Teresita); at eastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan).
Nakataas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa natitirang bahagi ng Cagayan kasama na ang Babuyan Islands; natitirang bahagi ng Isabela; Quirino; eastern at central portions ng Nueva Vizcaya (Kayapa, Ambaguio, Solano, Villaverde, Bagabag, Diadi, Quezon, Bayombong, Bambang, Aritao, Dupax del Sur, Dupax del Norte, Kasibu, Alfonso Castaneda); Apayao; Abra; Kalinga; Mountain Province; Ifugao; northern portion ng Benguet (Bakun, Kibungan, Buguias, Kabayan, Mankayan, Bokod, Atok); Ilocos Norte; Ilocos Sur; at northern at central portions ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Baler, Maria Aurora).
Nasa Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 naman ang Batanes; natitirang bahagi ng Nueva Vizcaya; natitirang bahagi ng Benguet; La Union; Pangasinan; eastern portion ng Tarlac (San Clemente, Camiling, Moncada, San Manuel, Anao, Santa Ignacia, Gerona, Paniqui, Ramos, Pura, Victoria, La Paz, City of Tarlac, Concepcion); Nueva Ecija; natitirang bahagi ng Aurora; eastern portion ng Pampanga (Magalang, Arayat, Candaba); eastern portion ng Bulacan (San Ildefonso, San Miguel, Doña Remedios Trinidad, San Rafael, Angat, Norzagaray, City of San Jose del Monte); eastern portion ng Rizal (Rodriguez, San Mateo, City of Antipolo, Tanay, Baras); northern portion ng Quezon (General Nakar, Infanta, Real, Mauban, Perez, Alabat, Quezon, Calauag) including Polillo Islands; northern portion ng Laguna (Santa Maria, Famy, Siniloan, Pangil, Pakil, Paete); at Camarines Norte.
Sa August 26 pa inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo.
Pinapayuhan ang mga apektadong residente na mag-ingat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.